Sunday, July 29, 2007
Manananggal
Kuwentuhan mo ako ng nakakatakot.
Like I mentioned in the previous post, Rama now has a fascination for scary stories.
While we were waiting for our orders in a neighborhood restaurant, she was asking for a scary story while eating the salt. By itself. As in, papak. I stopped her from having too much, of course. But I was reminded of a scary creature who hated salt.
I thought I'd throw in some good ol' Filipino folklore. I told her about the manananggal.
Me: Alam mo ba kung ano ang manananggal? Sa araw, maganda siya. Pero sa gabi, nahahati ang katawan niya. Tinutubuan siya ng pakpak. Pero para na siyang bruha. Ang tawag sa kanya, manananggal. Lumilipad siya, naghahanap ng makakain. Alam mo ano ang hinahanap niya? Buntis! Pumupunta siya sa bubong ng bahay ng buntis. Humahaba ang dila niya, naaabot ang tiyan ng buntis tapos dun niya hinihigop ang baby! (You want horror, you get horror!) Ang tawag din minsan sa kanya, tiktik. Kasi yun yung tunog habang pumapasok yung dila sa bubong. tik tik tik tik. (I don't think this is accurate, but anyhoo.) So alam mo ba ano ang panlaban sa manananggal? Asin. Pag nilagay mo yan sa naiwang kalahating katawan, hindi na siya makakabalik. Aabutan na siya ng sikat ng araw at mamamatay na siya.
Rama: Mangyayari ba yun dito? (We are currently in Toronto, Canada)
Me: Hindi. Sa Pilipinas lang merong manananggal.
Rama, concerned: Pa'no na si Honey? Nasa Pilipinas siya...
Honey is her beloved Lola. Whom she calls by first name. Who is a bit overweight.
Rama: Baka akala ng manananggal, buntis siya!
Later that day, Socky, who was on her way back to Manila, had to say goodbye to Rama.
Socky: Rama, aalis na ako. Babalik na ako sa Pilipinas.
Rama: Buti na lang, hindi ka buntis.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Very funny!
At sa wakas, nagka-picture na rin si Honey sa imagination ko. Natawa ako sa sinabi ni Rama, baka akalain ng mananaggal buntis si Honey. Hehehe!
ang ganda ng pix nila ni tita honey... :)
Post a Comment